Pinangunahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sectoral meeting sa Malacañang ngayong Abril a-4, Martes Santo.
Tinalakay sa pulong ang mga update kaugnay ng Rightsizing Program ng gobyerno.
Bukod sa Pangulo, present din sa meeting sina Executive Sec. Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, at iba pang miyembro ng gabinete.
Ang Rightsizing ay ang pagbabawas ng mga tanggapan o mga posisyon sa pamahalaan na “redundant” o hindi kina-kailangan, upang maitaguyod ang episyente at praktikal na operasyon at pagse-serbisyo sa publiko.
Ito ay isa sa mga pangunahing adhikain ng Administrasyong Marcos, at kasalukuyan na itong isinusulong sa Kongreso. –sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News