Dalawang bagyo ang kasalukuyang namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ngayong Miyerkules ng umaga, Hulyo 23, ayon sa DOST-PAGASA
Una, ang dating Low Pressure Area (LPA 07g) ay lumakas at naging Tropical Storm na ngayon na may pangalang “DANTE” habang nananatili sa loob ng PAR.
Samantala, ang isa pang LPA (07h) ay nabuo na rin bilang Tropical Depression na pinangalanang “EMONG”.
Bukod dito, isang LPA (07i) ang minomonitor sa labas ng PAR, na may mataas na posibilidad na maging isang ganap na bagyo sa susunod na 24 oras.
Pinapayuhan ang publiko na patuloy na magmonitor sa mga weather bulletin ng PAGASA at maghanda laban sa posibleng epekto ng mga bagyong ito, lalo na sa mga lugar na apektado ng habagat.