Umaabot sa 26,856 ang bilang ng mga pasahero na naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan iba’t-ibang bansa.
Ito’y mula kaninang hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga.
Sa datos na namonitor ng PCG, nasa 14,114 ang outbound passengers at 12,742 naman ang inbound passengers.
Kaugnay nito, umaabot rin sa 2,552 ang bilang ng mga frontline personnel na ipinakalat sa 15 PCG District kung saam kanilang isinailalim sa inspeksyon ang nasa 312 vessels at 71 motorbancas.
Bukod dito, naglabas ng abiso ang PCG sa publiko hinggil sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023 sa mga protocol sa paglalayag at mga regulasyon, maaari silang makipag-ugnayan sa kanilang official Facebook page o sa Coast Guard Public Affairs sa numerong 0927-560-7729.
Mananatili naman ng hanggang April 10, 2023 ang heightened alert status ng PCG para sa Semana Santa kung saan nakatutok at nagbabantay ang lahat ng kanilang tauhan sa districts, stations, at mga sub-stations para sa kapakanan ng publiko. –sa panulat ni Felix Laban, DZME News