Nakikiisa si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng kristiyano sa Pilipinas at sa buong mundo sa paggunita ng Semana Santa.
Sa kaniyang mensahe, inihayag ng Pangulo na ang Holy Week ay magsisilbing pagkakataon para pagnilayan ang paghihirap at pagkamatay ni Hesukristo.
Sinabi naman ng chief executive na bagamat maraming naging pagsubok at kaganapan sa mga nagdaang taon, dapat pa ring isapuso sa bawat aksyon ang muling pagkabuhay ng Panginoon at ang tagumpay na ibinibigay nito sa araw-araw.
Kaugnay dito, hinihikayat ni Marcos ang lahat na kilalanin pa si Hesus upang maging mas maayos na tagapaghatid ng pagbabago at tagapagpalaganap ng katotohanan.
Mababatid na idineklara nang half-day ng Malacañang ang pasok sa mga empleyado ng gobyerno sa Abril a-5, Miyerkoles Santo, upang mas maaga silang maka-biyahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya para sa Semana Santa. — sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News