Titiyakin ng Philippine Columbian Association na masigurong ligtas ang mga manlalaro sa kauna-unahang 2023 Metro Manila Open.
Inaasahang lalahukan ito ng lahat ng Tennis Club Organizations, Professionals at Amateur Tennis Players ang pinakamalaking Tennis Tournament na may kabuuang Premyong 1.8 Million Pesos.
Ayon kay PCA Chairman Atty. Tranquil Salvador, bukod sa kooperasyon sa mga LGU, gagawa sila ng hakbang para masigurong magiging ligtas mula sa heat stroke ang mga manlalaro kasama na dito ang tamang scheduling sa indoor at outdoor courts.
Giit naman ni Raul Diaz, bise-presidente ng PCA, bukod sa pagdaraos ng mga prestihiyosong Tennis Tournaments, sisikapin din nilang maibalik ang dating sigla ng pca sa pamamagitan ng pagho-host ng mga natatanging forum at palitan ng ideya at opinyon mula sa larangan ng pulitika at mayamang kasaysayan ng bansa.
Sa panulat ni FELIX LABAN, DZME NEWS