dzme1530.ph

Taxi driver na naningil ng mahigit ₱1,200 na pasahe mula NAIA T3 patungong T2, nanganganib matanggalan ng lisensya

Loading

Ipinag-utos ni Transportation Sec. Vince Dizon ang pagbawi sa lisensya ng taxi driver na nahuli sa viral video na naningil sa kanyang mga pasahero ng ₱1,260 na pasahe mula NAIA Terminal 3 patungong Terminal 2.

Sinabi ni Dizon na inatasan na niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na i-revoke ang registration ng driver at prangkisa ng operator.

Inihayag ng Kalihim na hindi siya naniniwalang hindi alam ng operator ang modus ng driver, at malamang at matagal na nila itong ginagawa.

Nanawagan din si Dizon sa publiko na ipagpatuloy ang pagsusumbong laban sa mga driver na naniningil ng sobra-sobrang pasahe, at inirekomendang gumamit ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) o ride-hailing applications.

About The Author