Idineklara nang half-day ng Malacañang ang pasok sa mga empleyado ng gobyerno sa Abril a-5, Miyerkoles Santo.
Sa Memorandum Circular no. 16 na may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, nakasaad na ito ay bilang pagbibigay-daan sa pag-biyahe ng gov’t employees sa iba’t ibang probinsya para sa paggunita ng Semana Santa.
Kaugnay dito, itinakda na lamang sa hanggang alas -12 ng tanghali ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Miyerkoles santo.
Hindi naman saklaw nito ang mga tanggapang may kaugnayan sa basic health services, disaster and calamity response, at iba pang may mahahalagang tungkulin.
Nakasalalay din sa mga pribadong kumpanya kung magpapatupad din sila ng half-day o suspensyon sa trabaho.