Umaasa si Sen. Risa Hontiveros na sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo ay masisimulan na ng Senado ang pagdinig tungkol sa mga isyu sa serbisyo ng PrimeWater.
Una nang naghain ang senadora ng resolusyon para mabusisi ang mga reklamo tungkol sa operasyon ng private water concessionaires.
Ayon kay Hontiveros, umaasa siyang bago tuluyang magsara ang 19th Congress ay maire-refer ito sa Senate Committee on Public Services at magkakaroon ng kahit isang pagdinig tungkol sa isyu.
Nangako ang senadora na ipa-follow up niya kay Senate Committee on Public Services chairman Raffy Tulfo na maitakda na ang pagdinig.
Hindi aniya dapat mailang ang Senado na imbestigahan ang problema sa PrimeWater kahit pa may kasama siyang dalawang Villar na nagmamay-ari sa kumpanya.
Iginiit ng mambabatas na mas magiging awkward kung hindi kikilusan ng Senado ang mga reklamo sa water concessionaire.