dzme1530.ph

MMDA, ikinikonsidera ang paglalagay ng motorcylce lanes sa EDSA at iba pang kalsada 

Ikinokonsidera ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad din ng motorcycle lanes sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada sa rehiyon kasunod ng matagumpay na implementasyon sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon kay MMDA spokesperson Melissa Carunungan, sa ngayon ay pinag-aaralan na nila ang feasibility nito sa EDSA upang mabawasan ang mga aksidente at mapabuti ang galaw ng trapiko.

Dagdag niya, may itinatag ng motorcyle lane ang ahensya sa Metro Manila bago ang pandemya na ginagamit na rin ngayon ng mga 4-wheeled vehicles dahil sa ilang sitwasyon.

Pero, matapos aniya ang kasagsagan ng pandemya, nakita ng ahensya ang pagtaas ng bilang ng mga motorsiklo sa lugar gayundin ang motorcycle-related incidents.

Binigyang-diin naman ni Carunungan na sa ipinatupad nilang polisya ay matuto ang mga motorista na mas maging disiplinado sa kalsada upang maiwasan ang anumang aksidente.

About The Author