Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang local drug manufacturers na palakasin ang produksyon ng essential medicines at tiyakin ang sapat na stockpile para sa panahon ng emergencies.
Sa pagpupulong sa Malacañang kasama ang healthcare sector group ng Private Sector Advisory Council, inihayag ng Pangulo na noong panahon ng lockdowns dahil sa COVID-19 ay naranasan ang problema sa suplay ng mga gamot.
Kaugnay dito, napagkasunduan sa meeting ang paghanap ng makabagong mga teknolohiya sa healthcare na magagamit para sa Geographically Isolated at Disadvantaged Areas.
Pag-aaralan din ng PSAC ang pagtatayo ng Remote Diagnostics Centers.
Samantala, iminungkahi naman ng PSAC ang pagpapalakas sa Food and Drug Administration sa pamamagitan ng digitalization ng kanilang information systems.
Kabilang sa mga dumalo sa meeting ay ang executives ng Aboitiz Equity Ventures Inc., Ayala Healthcare Holdings Inc., MediCard Philippines, at gayundin si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.