Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na nakakuha sila ng Emergency Power Supply Agreement (EPSA) sa San Miguel’s South Premiere Power Corp. (SPPC) para sa suplay ng 300 megawatts baseload capacity.
Epektibo ang kasunduan mula nitong March 26, 2023 hanggang March 25, 2024.
Ayon sa Meralco, sumasalamin ang EPSA sa two-part tariff na binubuo ng P1. 75 centavos per kilowatt-hour fixed cost at variable cost ng fuel price movements.
Samantala, makakatulong ang pagpapatupad ng EPSA sa mga electricity consumer mula sa pabago-bago at potensyal na mas mataas na generation cost sa wholesale electricity spot market, na naitatala tuwing dry season kung kailan tumataas ang demand sa kuryente.