dzme1530.ph

NFA, planong isubasta ang lumang stocks ng bigas para lumuwag ang mga warehouse

Loading

Isusubasta ng National Food Authority (NFA) ang mga lumang stock ng bigas upang lumuwag ang kanilang mga bodega.

Ang tinutukoy ng NFA ay mga bigas na mahigit dalawang buwan na sa kanilang mga warehouse.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, makatutulong ang naturang hakbang sa ahensya upang magkaroon ng karagdagang espasyo para sa mga lokal na palay na kanilang bibilhin mula sa mga magsasaka sa gitna ng dry harvest season.

Sinabi ni Lacson na target niyang ipasubasta sa katapusan ng Abril o sa unang linggo ng Mayo ang mga lumang bigas mula sa mga rehiyon na puno ang mga bodega.

Una nang inihayag ng NFA na plano nilang bumili ng 880,000 MT ng palay ngayong taon upang maabot ang 15-day o katumbas na 555,000 MT ng national rice buffer stock.

About The Author