Isang mapa ng bahay at mga litrato ng pamilya ng pinaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo ang nakuha mula sa pag-iingat ng isang suspek na naaresto sa raid sa Compound na pag-aari ni dating Gov. Pryde Henry Teves.
Kinilala ang suspek na si Nigel Electona, dating Police Patrolman na sinibak sa serbisyo noong 2017, bunsod ng alegasyon na sangkot ito sa iligal na droga.
Isa si Electona sa mga dinakip sa pagsalakay ng mga otoridad sa Sugar Mill Compound sa Sta. Catalina, Negros Oriental noong Biyernes, kung saan narekober ang iba’t ibang matataas na kalibre ng baril, mga bala, at pampasabog.
Matapos isilbi ang Search Warrant sa Compound, nagtungo rin ang mga pulis sa bahay ni Electona at dito natagpuan ang mga litrato ng Pamilya Degamo at mapa ng kanilang bahay sa Pamplona.