dzme1530.ph

Naitalang bilang ng index crime, bumaba —PNP

Naitala sa mahigit 16% ang index crime sa buong bansa sa unang tatlong buwan ng taon.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), mula 9,375 na datos noong 2022 bumaba sa 7,865 ang naitalang bilang ng index crimes mula unang araw ng Enero hanggang Marso a-25 ngayong taon.

Nakapaloob sa index crimes ang mga kaso gaya ng Murder, Homicide, Rape, Physical Injury, Robbery, at Theft.

Ayon pa sa PNP, magpapatuloy ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga kung saan aabot sa 14,481 suspek ang kanilang naaresto, gayundin ang kanilang kampaniya kontra-loose firearms, maging ang pagpapaigting sa paghahabol sa mga taong pinaghahanap ng batas matapos masakote ang 17,418 wanted person sa loob ng tatlong buwan.

About The Author