dzme1530.ph

Pilipinas, hindi na makikipagtulungan sa ICC

Wala nang gagawing hakbang ang Pilipinas matapos ibasura ng ICC Appeals Chamber ang apela ng Office of the Solicitor General sa pagpapatuloy ng imbestigasyon nito sa War on Drugs.

Sa Ambush Interview, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dahil nabigo na ang apila, puputulin na ng bansa ang anumang komunikasyon at contact sa ICC.

Kasabay nito’y nanindigan ang Pangulo na hindi makikipagtulungan ang gobyerno sa ICC dahil ang ginagawa nito ay maituturing na pakikialam at pag-atake sa soberanya ng Pilipinas.

Muling binigyang diin Marcos na hindi kinikilala ng Pilipinas ang jurisdiction ng ICC.

Matatandaang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag sa ICC noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

About The Author