Ibinasura ng ICC Appeals Chamber ang hirit ng Pilipinas na suspendihin ang imbestigasyon sa War on Drugs campaign ng Duterte Administration at ng umano’y Davao Death Squad.
Ayon sa desisyon na inilabas ng ICC Chamber, nabigo ang Pilipinas na magbigay ng “persuasive reasons” para suportahan ang request na suspensyon.
Nakasaad anila sa apela ng Pilipinas na ang ICC ay walang hurisdiksyon sa bansa at kakalas na ito sa Rome Statute na binuo ng Korte.
Ngunit iginiit ng ICC na hindi sapat ang paliwanag ng bansa “kung paano ang diumano’y kawalan ng hurisdiksyon” ay mas importante sa inimical consequences ng drug killings sa mga suspek, saksi, at biktima.
Samantala maaari naman anilang bumuo ng sariling imbestigasyon ang pilipinas hinggil sa umano’y “irrespective ongoing proceedings” ng ICC.