dzme1530.ph

MIAA, naglabas ng bagong logo

Loading

Ipinakita na sa publiko ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang bagong logo nito kasabay ng paggunita ng kanilang ika-43 na anibersaryo ngayong taon.

Ayon kay MIAA General Manager Eric Jose Ines, ang bagong logo ay umaayon sa misyon ng ahensya, na magbigay gabay sa mga operasyon sa Ninoy Aquino International Airport habang tinitiyak na natutugunan ang pinakamataas na pamantayan sa abyasyon.

Nagpapakita din aniya ito nang pagkakaroon ng bagong responsibilidad ng MIAA bilang regulator ng NAIA matapos pormal na pangasiwaan ng New Naia Infra Corporation (NNIC) ang paliparan noong nakaraang taon.

Setyembre 2024, nang ilipat ang mga operasyon at maintenance ng NAIA sa NNIC, na nagbibigay-daan sa paglipat ng MIAA patungo sa isang regulatory function.

Binigyang diin ng MIAA na ang transition ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na gawing moderno at pahusayin ang karanasan ng mga pasahero sa paliparan.

About The Author