Nananatiling stable si Pope Francis na nakikipaglaban pa rin sa pneumonia sa ospital, sa loob ng tatlong linggo.
Ayon sa Vatican, hindi na nagkaroon ng anumang bagong episodes ng respiratory crisis ang Santo Papa.
Sinabi ng mga doktor ng Holy Father na hindi na sila maglalabas ng panibagong bulletin, bunsod ng nakikitang “stability” sa clinical picture.
Inadmit si Pope Francis sa Gemelli Hospital sa Roma noong Feb. 14 bunsod ng matinding respiratory infection na kinailangan ng tuloy-tuloy na gamutan.
Sa pinakahuling medical update, inihayag ng Vatican na hindi na nilagnat ang Santo Papa at stable din ang kanyang blood tests.