Inilabas na ng COMELEC ang Updated Calendar of Activities para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na itinakda sa October 30.
Base sa COMELEC En Banc Resolution 10902, ang election period at implementasyon ng gun ban ay simula August 28 hanggang November 29.
Ang paghahain naman ng Certificates of Candidacy (COCs) ay sa August 28 hanggang sa September 2.
Simula sa September 3 hanggang sa October 18 ay bawal mangampanya, para bigyang daan ang campaign period na itinakda sa October 19 hanggang sa October 28.
Bawal ulit mangampanya pagsapit ng October 29 hanggang 30, pati na ang pagbebenta, pagbili, at pag-inom ng alak.
Magsisimula ang botohan sa October 30 ng ala-7:00 ng umaga at magtatapos ng alas-3:00 ng hapon, at agad itong susundan ng pagbibilang at canvassing ng mga boto at pagproklama sa mga nanalong kandidato.
Ang huling araw naman ng paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ay sa November 29.