dzme1530.ph

Canada, magpapatupad ng 25% tariff sa 30-billion Canadian dollars na halaga ng US imports

Loading

Papatawan ng Canada ng 25% na taripa ang 30 billion Canadian dollars na halaga ng US imports.

Ayon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau, effective immediately ang kanyang direktiba.

Ginawa ni Trudeau ang anunsyo, ilang oras matapos patawan ni US President Donald Trump ng 25% tariffs ang imports mula sa Mexico at Canada.

Idinagdag ni Trudeau na kukwestyunin ng Canada ang mga hakbang ng Amerika sa World Trade Organization at sa pamamagitan ng US-Mexico-Canada Trade Agreement.

Nagbabala rin ang Canadian Prime Minister na kung patuloy na iiral ang US tariffs, magpapatupad pa ang Canada ng 25% tariff sa 125 billion Canadian dollars na halaga ng US imports sa susunod na tatlong linggo.

About The Author