Naaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang dating empleyado ng First Family dahil sa two counts ng estafa.
Ayon kay CIDG Dir. Maj. Gen. Nicolas Torre III, nag ugat ang operasyon matapos makipag-ugnayan sa kanila ang Office of the Special Envoy on transnational crime makaraang makatanggap ng samut saring reklamo ang ahensya laban kay Simeon Sander Dela Cruz III.
Ani ng opisyal, nagpapakilala bilang undersecretary at nagpapakita ng larawan si Dela Cruz na kasama nito ang First Family para makapang biktima.
Dagdag pa ni Torre, simula nung mawala na sa First Family si Dela Cruz dito na ito pumasok sa mga iligal na gawain tulad ng pakikipag transaksyon sa mga pribadong indibidwal, sa gobyerno at nangongomisyon ng nasa 3 to 5 percent.
Kung saan daang daang milyon na ang nakukulimbat nito sa mga nabibiktima dahil malalaking proyekto ang target nito tulad ng infrastructures, roads, supplies at iba pa.
Dahil dito, hinikayat ng PNP ang iba pang nabiktima ni Dela Cruz na lumantad at lumapit sa kanilang tanggapan upang madagdagan pa ang kinakaharap na kaso ng suspek. —ulat mula kay Allen Ibañez