dzme1530.ph

MMDA, nanindagang sapat ang panahong binigay bago ikasa ang Exclusive Motorcycle Lane

Nanindigan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sapat ang panahong ipinagkaloob sa mga motorista para ipaintindi sa mga ito ang paggamit ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue.

Ayon sa MMDA, simula ngayong araw, Marso a-27, huhulihin at pagmumultahin na ng aabot sa P1,200 sa mga lalabag na PUV drivers at P500 sa motorcycle drivers at iba pang vehicle drivers, na masisitang lalabag sa

Policy.

Sa tala ng MMDA, aabot sa 20,656 motorista sa elliptical road hanggang Doña Carmen at vice versa, ang nasita mula umarangkada ito noong Marso a- 9 hanggang Marso a- 23.

Matatandaang na-extend ang dry run ng Exclusive Motorcycle Lane sa Commonwealth Avenue ng isang linggo upang bigyan-daan ang road patch works ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa naturang kalsada.

Buksan ang Litrato

 

About The Author