Ikinatuwa ng Malakanyang ang desisyon ng Trump administration na i-exempt ang 336-million dollar assistance para sa modernization ng Philippine Security Forces mula sa kanilang foreign aid freeze.
Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Palace Press Officer at PCO Usec., Atty. Claire Castro, na ang exemption ay napakalaking tulong sa Pilipinas.
Aniya, sa pamamagitan ng exemption ay maire-release ang 500 million dollars na foreign financing sa bansa, sa kabila ng direktiba ni US President Donald Trump na i-freeze ang foreign aid sa loob ng 90 days.
Una nang kinumpirma ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa gobyerno ng Amerika tungkol sa aid exemption.
Inihayag ni Romualdez na ang halaga ay bahagi ng 500-million dollar foreign military financing na inaprubahan ng US Congress noong nakaraang taon na ilalim ng Biden administration.