dzme1530.ph

Panukala para sa pagtatayo ng Philippine Scam Prevention Center, inihain sa Senado

Loading

Isinusulong ni Sen. Mark Villar ang panukala na naglalayong itatag ang Philippine Scam Prevention Center sa gitna na rin ng pagtaas ng kaso ng mga online scam at financial fraud.

Ayon kay Villar, layon ng Senate Bill 2924 na matutukan ang pagpapatupad ng mga batas na may kaugnayan sa online o digital fraud, gaya ng Anti-Financial Account Scamming Act at Cybercrime Prevention Act of 2012 kasama na ang mga reklamo tungkol sa financial-scamming.

Ang itatayong tangggapan ay magsisilbing one-stop shop para sa financial scam-related offenses at bubuuin ng mga ahensya tulad ng Department of Trade and Industry, Bangko Sentral ng Pilipinas, National Telecommunications Commission, National Privacy Commission, financial institutions, telecommunication companies, online marketplaces, financial technology companies, at operators ng online o payment systems.

Nakasaad din sa panukala na magtatag ng regional at local centers para matiyak na magiging accessible ang Philippine Scam Prevention Center sa lahat at magiging mabilis ang pagresponde sa mga kaso.

About The Author