Pormal ng binuksan sa publiko ang pinakamalaking Passenger Terminal Building (PTB) sa buong bansa na matatagpuan sa Calapan Port, Oriental Mindoro ngayong araw, ika-27 ng Marso 2023.
Ang modernong PTB ng Port of Calapan ay makapagbibigay serbisyo sa 3,500 pasahero, mula sa dating kapasidad ng lumang terminal na 1,600 lamang.
Taglay ng bagong PTB ang prayer room, mas pinagandang breastfeeding area, All gender restroom, high-tech automated doors, escalators at elevators, at tindahan sa loob ng PTB, para sa pangangailangan ng pasahero.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, malaking tulong ang bagong gawang pantalan ngayong papalapit ang Semana Santa kung saan inaasahang marami ang magsisiuwian sa kanilang probinsiya.
Bahagi rin ng inisyatibo ng PPA upang gawing komportable ang biyahe ng mga pasahero at mapabuti ang serbisyong pampantalan ng ahensiya sa lugar.
Sa tala ng Port Management Office Mindoro tuwing regular day ay pumapalo sa 3,000 hanggang 4,000 ang arawang bilang ng mga pasahero, inaasahang higit pa itong tataas sa papalapit na Semana Santa.
Ani pa ni GM Santiago, “Tuwing peak season nasa 12,000 pasahero ang gumagamit ng pantalan every-day, noon” kung san umabot pa sa labas ng terminal ang pila,
Magtutuloy-tuloy anila ang ahensya sa paggawa ng ganitong proyekto upang mapaunlad ang sektor ng turismo, at transportasyon sa pantalan.
Matatandaan na matagumpay naring naidaos ang inagurasyon ng Port Operations Building (POB) ng Masbate at Coron kamakailan.