dzme1530.ph

Pinsala ng naganap na paglubog ng MT Princess Empress, hindi na lalala —PCG

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi magkakaroon ng mas malaking pinsala ang naganap na paglubog ng MT Princess Empress na nagkalat ng libu-libong litro ng industrial oil sa karagatan ng Oriental Mindoro at mga katabing lalawigan ng Antique, Palawan at sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, kakailanganin na lamang ng dagdag pang mga Remotely Operated Vehicle (ROV) upang makuha ang langis na karga pa ng lumubog na barko.

Paliwanag ni Balilo, walang ibang kakayanan ang gamit ngayong ROV mula Japan kundi ang mag-survey lamang, wala aniya itong kakayahan na mag-patch at mag-seal kung kaya pinag-uusapan na ang mga kukuning karagdagang ROV at may kontak na rin ang may-ari ng MT Princess Empress.

Sinabi ni Balilo na lahat ng nakikitang paraan ay ginagawa na ng gobyerno at lahat ng pwedeng magdala ng ROVs na maaring makatulong sa bansa ay kanila na ring itinutulak.

About The Author