Inaasahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, posibleng umabot sa higit P1.00 kada litro ang tapyas presyo sa diesel at gasolina.
Base aniya sa first 4 trading days, bumaba ang presyo ng imported na langis ng mahigit P1.00 kada litro o P1.45 kada litro sa diesel; P1.38 kada litro sa gasolina; at P1.99 kada litro sa kerosene.
Iniuugnay naman ang posibleng rollback sa banking crisis matapos ang magsara ang ilang bangko sa US at Switzerland.