Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa ilang kompanya ng bus at transport operators.
Ito ay para masiguro ang sapat na pampublikong sasakyan sa nalalapit na Semana Santa sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa terminal.
Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, nasa 22 bus unit na ang nabigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permit upang makabiyahe sa iba’t ibang lalawigan sa Holy Week.
Aniya, pinoproseso na rin ng ahensya ang permit ng iba pang bus upang makatugon sa pagdami ng mga biyahero.
Una nang sinabi ng PITX na posibleng umabot sa 1.2-M ang pasahero na bibiyahe sa kanilang terminal sa darating na Semana Santa.