dzme1530.ph

Isang kawani ng OTS sa NAIA nagpakita ng mabuting kalooban

Pinatunayan ng isang kawani ng Office for the Transportation Security na hindi lamang puro negatibo ang nangyayari sa kanilang pagtupad sa tungkulin.

Makalipas ang ilang serye ng eskandalong kinasasangkutan ng mga tauhan ng OTS, isang kawani naman ang nagpakita ng kabutihang loob nang ibalik nito sa isang pasahero ang naiwan nitong IPod.

Ayon sa OTS, naiwan ng isang pasahero sa Security Screening Checkpoint sa NAIA Terminal 1 ang nasabing iPod subalit nang mapansin, agad na ipinanawagan ni Screening Officer Donn Mark Rivera sa may-ari ang naturang gadget gamit ang public address system sa counter ni Rivera.

Labis ang pasasalamat ni Lorraine Marie Reume na isang US Citizen, sa pagkakabalit sa kanya ang iPod.

Samantala, ikinatuwa ni OTS Usec. Administrator Mao Aplasca ang pangyayari na aniya ay isang mabuting halimbawa para sa mga kawani ng OTS.

About The Author