Tutulong ang Dep’t of Social Welfare and Development sa pagtukoy ng mga kuwalipikadong benepisyaryo, sa conditional implementation ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DOLE Usec. Benjo Benavidez na sa bisa ng convergence program o pakikibahagi sa pagpapatupad ng AKAP, tutulong ang DOLE sa Dep’t of Social Welfare and Development sa pagtukoy sa minimum wage earners.
Kabilang na rin dito ang pagtatakda ng mga dokumentong kanilang isusumite upang patunayang sila ay minimum wage earner, na maaaring makita sa kanilang mga kontrata, certificate of employment, at income tax return.
Para naman sa mga manggagawang wala pa sa minimum wage ang kita, maaari silang magbigay ng certificate mula sa kanilang employer, o pwede ring sila na mismo ang gumawa ng certification.
Samantala, makikiisa rin ang DOLE sa information dissemination sa publiko upang ipaunawa ang AKAP program. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News