Mas ligtas ang naging pagdiriwang ng Pasko at bagong taon sa Metro Manila, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ito’y makaraang bumaba ng 50% ang mga kaso ng ligaw na bala sa NCR kumpara sa holiday season sa nakalipas na taon.
Sa statement, inihayag ng NCRPO na bumaba rin ng 28% ang firecracker-related injuries habang lumobo ng 1,386% ang nakumpiskang iligal na mga paputok.
Sinabi ni NCRPO Chief, Police Brig. Gen. Anthony Aberin, na ang bumabang bilang ng mga aksidente ay bunga ng kanilang security preparations, sa pakikipagtulungan ng Local Government Units (LGUs), iba pang stakeholders, at ng komunidad.
Hindi naman tinukoy ng NCRPO ang eksaktong mga bilang ng naturang tallies. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera