dzme1530.ph

Administrasyon, kulang sa hakbangin kontra iligal na droga

Loading

Naniniwala si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na malaki ang pagkukulang ng kasalukuyang administrasyon pagdating sa kampanya kontra droga.

Ayon kay dela Rosa, isa sa kapuna-puna ngayon ay ang pagbabalik at paglakas muli ng operasyon ng mga sindikato ng droga.

Makikita aniya ito sa mga nagkalat ding krimeng nangyayari sa bansa dahil makaugnay anya ang droga at kriminalidad.

Muli ring nanindigan ang mambabatas na kung ibabalik sa panahon ng kanyang pagiging hepe ng Pambansang Pulisya ay muli niyang ipatutupad ang kampanya kontra droga.

Ipinaliwanag ni dela Rosa na adbokasiya niya ang pagsasaayos ng peace and order at labanan ang mga sindikatong sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga dahil sinisira nito ang kinabukasan ng isang tao.

Kaya naman patuloy ang panawagan nya sa administrasyon na palakasin ang kampanya laban sa illegal drugs. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author