Mayroon pang ₱150-B na sobrang pondo ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kahit na hindi ito bigyan ng subsidiya sa 2025.
Ayon sa Department of Health (DOH), galing ito sa natirang budget ng PhilHealth ngayong 2024.
Ginawa ng DOH ang pagsisiwalat upang tiyakin sa mga miyembro ng PhilHealth na mayroong available na pondo para paghusayin pa ang mga umiiral na benepisyo.
Sinabi ni DOH Spokesperson, Assistant Secretary Albert Domingo, na bukod sa 61-billion peso subsidy ngayong 2024, 63% lang ng ₱244 billion na budget para sa mga benepisyo ang nagamit, as of Oct. 31.
Binigyang diin ni Domingo na sobra pa sa sapat, ang ekstrang ₱150 billion mula sa budget ng Government-Owned-And-Controlled Corporation para ma-cover ang improvement ng existing benefits. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera