dzme1530.ph

Pilipinas, ikalawa sa mga bansa sa Asia Pacific na apektado ng terorismo

Nasa ikalawang ranggo ngayon ang Pilipinas sa mga bansa na pinaka-apektado ng terorismo sa Asia-Pacific Region na may markang 6.328 o medium impact.

Ayon sa Global Terrorism Index (GTI) 2023, sumunod ang Pilipinas sa bansang Myanmar na nasa unang ranggo ng pinakamataas na bansang naapektuhan ng terorismo at may markang 7.977 na marka at sinundan ng mga bansang Indonesia, Thailand, at New Zealand.

Sa buong mundo, nasa ika-18 puwesto ang Pilipinas mula sa 160 at tatlong bansa mas mababa ito kumpara sa record nang nakaraang taon na ika-17 puwesto at may iskor na 6.786.

Ang GTI ay isang report na ginawa ng Institute for Economics & Peace (IEP) at nagbibigay ng Comprehensive Summary ng pandaigdigang trend at patterns ng terorismo sa nakalipas ng dekada

About The Author