Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kauna-unahang Mobile Soil Laboratory sa bansa.
Sa seremonya sa Malakanyang nitong Biyernes, ininspeksyon ni Marcos ang mobile soil laboratory na isang ten-wheeler truck na may state-of-the-art equipment para sa angkop at mabilis na paglalabas ng resulta sa kapakinabangan ng agricultural stakeholders.
Kaya nitong mag-analyze ng 44 na soil chemical, physical at microbiological at maging water chemical parameters, at gagamitin ito upang tumulong sa soil laboratories sa mga rehiyon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na alinsunod sa National Soil Health Program, ang mobile soil laboratory ay sumasalamin sa layuning mailapit ang mahalagang serbisyo ng pagsusuri sa lupa sa mga lugar na lubos na nangangailangan.
Matutulungan umano nito ang mga magsasaka na masigurong malusog ang kanilang lupa para sa mas masaganang ani. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News