dzme1530.ph

PBBM, biyaheng Northern Luzon ngayong Biyernes para sa pamamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng magkakasunod na bagyo

Biyaheng Northern Luzon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Biyernes, upang mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng tumamang magkakasunod na bagyo.

Alas-9 ng umaga inaasahang darating ang Pangulo sa Bambang Nueva Vizcaya para sa aerial inspection sa mga apektadong lugar, at pag-iinspeksyon sa nasirang bypass road.

Mamimigay din ito ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Kasunod nito ay tutungo si Marcos sa Cabagan at Ilagan Isabela para sa distribusyon ng presidential assistance sa mga magsaka at mangingisda, at Certificate of Land Ownership award at Certificates of Condonation sa Agrarian Reform Beneficiaries.

Mamamahagi rin ito ng ayuda sa mga magsasaka, mangingisda, at mga nasalantang pamilya sa Lingayen Pangasinan.

Makakasama ni Marcos sina Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., DSWD Sec. Rex Gatchalian, DILG Sec. Jonvic Remulla, DAR Sec. Conrado Estrella III, at mga lokal na opisyal.

About The Author