dzme1530.ph

Maynila, kabilang sa 10 Worst Cities para sa Creatives

Kabilang ang Maynila sa Worst Cities para sa mga indibidwal na nagta-trabaho sa Creative sector, ayon sa website na Business Name Generator (BNG).

Sinabi ng BNG na kasama ang Maynila sa bottom 10 Cities para sa Creatives, batay sa kanilang research na kinapapalooban 50 lungsod sa buong mundo.

Ibinatay ng grupo ang ranking sa estimated number of “creative” roles available, average annual and monthly salaries, living costs, at bilang ng amenities, gaya ng museums, art galleries, at parks.

Bukod sa Maynila na nasa no. 5 sa listahan, kabilang din sa 10 Worst Cities ang New Delhi, Mumbai, Johannesburg, Tel Aviv, Porto, Medellin, Athens, Kuala Lumpur, at Melbourne.

About The Author