Sisikapin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magkaroon ng disenteng bahay ang lahat ng sundalo at pulis sa bansa.
Sa pulong sa Malacañang, kasama sina Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gen. Andres Centino, Human Settlements Sec. Jose Acuzar at Cavite Gov. Jonvic Remulla, sinabi ni PBBM, na nagsisimula pa lang ang Marcos Administration sa pagbuo nang programa para sa disenteng pabahay sa mga sundalo at pulis sa Pilipinas.
Sisimulan na rin ilatag ang sistema para sa financial system hindi lamang sa public banks kundi maging ng mga private banks para maisakatuparan ang disenteng pabahay sa mga uniformed personnel.
Una nang pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr., ang pag-iinspeksyon at launching ng iba’t ibang housing projects sa Metro Manila at mga lalawigan na isa sa flagship program ng Marcos Administration.