dzme1530.ph

10 nasagip; 5 dinakip sa raid sa dalawang online prostitution dens sa Quezon

Sinalakay ng mga awtoridad ang dalawang online prostitution dens sa Tayabas at Lucena, Quezon.

Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), 10 biktima ang nasagip habang 5 suspek ang nasakote sa naturang pagsalakay.

Sinabi ni PNP-ACG Spokesperson, Police Lt. Wallen Mae Arancillo, na ang mga biktima ay inutusang gumawa ng malalaswang aktibidad kapalit ng pera sa loob ng mga establisyimento.

Aniya, walang binanggit na halaga subalit ang hatian umano ng handler at biktima ay 60-40, at depende ang rate kung gaano kalala ang kalaswaang ginawa ng performer.

Inihayag din ng PNP-ACG na karamihan sa mga parokyano ng prostitution dens ay mga foreigner. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author