dzme1530.ph

Mga POGO operator inabisuhan na ng Pasay City LGU para sa kanilang huling operasyon

Kinumpirma ng Pasay City LGU na nagsimula na silang magsagawa ng inspeksyon sa mga POGO Hub para tingnan ang mga kaukulang dokumento at lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ayon kay Mayor Emi Calixto Rubiano, inaabisuhan narin nila ang operators ng POGO na hanggang sa Disyembre, ang kanilang operasyon base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaan na sa pinakahuling SONA ng Pangulong Marcos Jr ay ibinan na nito ang pagpasok ng mga POGO sa bansa matapos ang samu’t saring krimen na kinasasangkutan ng mga foreign national.

Ang pahayag ni Rubiano ay kasabay ng isinagawang pag-iikot sa ibat ibang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kanilang lugar. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

 

About The Author