Muli na namang nanguna ang Finland sa pinakamasayang lugar sa mundo base sa World Happiness Report 2023 ng United Nations.
Ito na ang ika-anim na sunod na taon na nasungkit ng bansa ang pwesto.
Pasok din sa top 10 ang Denmark, Iceland, Israel, Netherlands, Sweden, Norway, Switzerland, Luxembourg at New Zealand.
Samantala, nakuha naman ng Pilipinas ang no. 76 sa survey mula sa mahigit 100 na bansa.
Ilan sa mga batayan ng survey ay ang kita, kalusugan, suporta sa lipunan, kawalan ng katiwalian, positibong pakikipag-ugnayan sa komunidad, mga kawanggawa at iba pa.