dzme1530.ph

Bilang ng mga Pinoy na nagpapakasal sa foreigners, tumataas

Tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nagpapakasal sa ibang lahi o foreigners.

Ayon sa Commission on Filipinos Overseas, mula noong 2022 ay umabot sa mahigit 6,500 Pinoy ang nakipag-isang dibdib sa mga banyaga, kung saan 600 sa mga ito ay kalalakihan, at nasa 6,000 ang kababaihan.

Katumbas umano ito ng 20 hanggang 30% na pagtaas.

Pinaka-marami sa mga napangasawa ng mga Pinoy ay mga Amerikano, sumunod ang mga Hapon, German, Canadian, at Australian.

Tinukoy naman ni CFO Chairperson Romulo Arugay ang social media, love matching, at pagpapakilala ng mga kaibigan bilang itong mga nagtulak sa pagtaas ng bilang ng Pinoy-to-Foreigner Marriage.

Kaugnay dito, ginagabayan ng CFO ang mga Pinoy na nakapangasawa ng mga banyaga upang hindi sila magka-problema sa migration o paglipat sa bansa ng dayuhan, at upang makaiwas din sa posibleng Human Trafficking. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author