dzme1530.ph

17 senatoriables at 15 party-list groups, naghain ng kandidatura sa unang araw ng filing ng COC 

Nagtapos ang unang araw ng isang linggong paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa Halalan 2025, sa pamamagitan ng pagpapatala ng 17 naghahangad na maging senador at 15 party-list groups.

Kasabay nito ay inanunsyo rin ng Comelec ang pag-aalis sa listahan at kanselasyon sa registration ng 42 party-list organizations para sa 2025 national and local elections.

Sa paglalarawan ni Comelec Chairman George Garcia, matumal ang paghahain ng COC sa national positions sa mga unang araw kumpara sa local positions.

Gayunman, pagsapit aniya Bukas, Oct. 3, ay asahan nang sadyang tataas ang bilang ng mga maghahain ng kandidatura.

Kabilang sa mga unang nag-file ng COC sa pagka-senador kahapon ay sina incumbent Agri Party-list Rep. Wilbert Lee at incumbent Senator Francis Tolentino. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author