dzme1530.ph

Atty. Harry Roque, nahaharap sa disbarment case na isinampa ng dating kapwa cabinet official

Sinampahan ni Atty. Melvin Matibag, dating Acting Cabinet Secretary sa ilalim ng nakalipas na Duterte administration, ng disbarment complaint sa Supreme Court si dating Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque.

Paliwanag ni Matibag, inihain niya ang reklamo laban kay Roque bilang opisyal ng Korte.

Dagdag pa niya, silang mga abogado ay binigyan ng prebilehiyo na mag-practice ng law, subalit mayroon itong kaakibat na mga responsibilidad.

Tinukoy ni Matibag ang ipinost ni Roque na deep fake video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang gumagamit umano ng iligal na droga, na nag-viral noong Hulyo.

Gayunman, hindi na masyadong tinalakay pa ni Matibag ang isinampa niyang reklamo laban sa dating kasamahan sa gabinete, bunsod ng sub judice rule. —ulat mula kay Felix Laban, sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author