dzme1530.ph

Sen. Padilla, aalis ng PDP-Laban kung hindi susuportahan ng partido ang Cha-Cha

Nagbanta si Senator Robin Padilla na aalis sa PDP-LABAN sa sandaling ideklara ng kanyang partido na hindi ito susuporta sa anumang hakbang para amyendahan ang konstitusyon.

Ayon kay Padilla, na siyang Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments at Revision of Codes, isa sa mga plataporma ng PDP-Laban ang Charter Change (Cha-Cha), at inaasahan niyang isusulong ng kanilang partido ang alinman sa pamamagitan ng Constitutional Convention (Con-Con) o Constituent Assembly (Con-Ass).

Si Padilla ay nakaupo bilang Executive Vice President ng PDP-Laban, habang si dating Pres. Rodrigo Duterte ang nakaupo bilang Chairman Emeritus.

Ang nasabing PDP-Laban faction ay magsasagawa ng general membership meeting upang talakayin ang Cha-Cha.

Sinabi ni Party Secretary-General Melvin Matibag na mayroon silang 32 incumbent congressmen, apat na senador, 26 gobernador, at “daan-daang” iba pang lokal na opisyal bilang miyembro

About The Author