Agad sumaklolo para magbigay ng tulong ang Office of the Speaker at Tingog Party-List sa 2,000 pamilya na nasunugan sa Barangay 105 Aroma, Tondo Manila.
Sa utos ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr., nag-request si Speaker Martin Romualdez ng ₱20-M sa DSWD para makapagbigay ng tig- ₱10,000 sa mga pamilyang nasunugan sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program.
Mabilis din mino-bilized ni Rep. Yedda Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Party-list ang mobile kitchen para sa hot meal, at ngayong umaga mamamahagi sila ng relief goods.
Ayon kay House Deputy Secretary General Ponyong Gabonada, Jr., ang hot meal ay ginawa sa Gen. Vicente Lim Elem. School evacuation center at Barangays 105 at 106 covered court.
Nagpasalamat naman si Manila 1st Dist. Rep. Ernesto Dionisio, Jr. kay PBBM, Spkr. Romualdez at DSWD Sec. Rex Gatchalian sa mabilis na paghahatid ng tulong. —sa panulat ni Ed Sarto