Binigyang-diin ng Drivers United for Mass Progress and Equal Right-Philippine Taxi Drivers Association (DUMPER–PTDA) party list group na hindi maapektuhan ang kita ng mga PUV driver sa nakatakdang pagpapatupad sa susunod na buwan ng diskwento sa pamasahe sa buong bansa.
Ayon kay Committee on Transportation Vice Chairperson at DUMPER–PTDA party-list Rep. Claudine Diana Bautista-Lim sa harap ng nakatakdang implementasyon sa Abril ng Service Contracting Program (SCP).
Paliwanag ni Bautista-Lim, walang maluluging PUV drivers sapagkat ang pamahalaan mismo ang sasalo sa ipatutupad na fare discount na layuning makatulong sa mga mananakay sa harap ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Bautista-Lim, ang mga pampublikong transportasyon naman na hindi lalahok sa SCP ay patuloy na maniningil ng regular na pamasahe sa halagang ₱12 hanggang ₱14.