dzme1530.ph

NCRPO, todo-paghahanda na para sa nalalapit na Semana Santa

Handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paglalatag ng seguridad sa darating na Semana Santa.

Sinabi ni NCRPO spokesperson P/Lt. Col. Luisito Andaya, nasa mahigit 4,000 pulis ang kanilang ide-deploy sa buong National Capital Region mula April 6 hanggang April 9.

Ang mga Pulis ay ipapakalat sa 300 simbahan sa buong Metro Manila para matiyak ang seguridad ng mga deboto sa darating na Holy Week.

Dagdag pa ni Andaya na isa rin sa kanilang tututukan ang mga transport terminal, pantalan at iba pang pampublikong lugar.

Muli namang siniguro ng NCRPO sa publiko na mananatiling naka-alerto ang kanilang hanay para sa pangkalahatang seguridad sa buong Metro Manila.

About The Author