dzme1530.ph

Espenido: war on drug ng Duterte admin., giyera lang ng mga drug lord

Dismayado si Police Lt. Col Jovie Espenido sa kinauwian ng war on drug ng Duterte administration.

Sa testimonya nito sa House Quad Committee, masamang-masama umano ang kanyang loob dahil siya mismo na gumaganap ng maayos sa tungkulin ay inakusahan at naisasama rin sa drug lists.

Binanggit din nito sa kanyang affidavit na sa Pilipinas, ang PNP ang pinakamalaking crime group o crime syndicate.

Sumangayon din ito sa querries ni Congw. France Castro na ang inilunsad na war on illegal drugs ng Duterte administration ay ‘giyera lang ng mga drug lords.”

Lumilitaw umano na ang ini-eliminate lamang ay yung mga kakompetensya sa kalakalan ng droga.

Inamin din nito na may listahan o logbook ng mga pangalan na kasapi ng PNP at iba pang opisyal na tumatanggap ng intelhensiya mula sa drug lords.

Maging ang pagpatay aniya kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob mismo ng kulungan ay sinadya rin. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author