dzme1530.ph

PBBM, muling hinimok na pulungin ang NSC para maaksyunan na ang isyu sa China

Muling iginiit ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na napapanahon nang pulungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Security Council (NSC) para makabuo ng mas tukoy na hakbang kaugnay ng aksyon ng China sa loob ng ating teritoryo.

Batay sa rekomendasyon ni Tolentino, dapat mag-demand ang gobyerno sa China para tumbasan ang pinsalang idinulot sa dalawang Philippine Coast Guard (PCG) vessel ng pagbangga ng barko ng Chinese Coast Guard sa Escoda Shoal.

Binigyang-diin ng Senate Special Committee on Admiralty Zones Chairman na alinsunod sa UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), maaaring mapanagot ang may ari ng barko na nakapinsala sa ibang sasakyang pandagat

Iminungkahi pa ng senador sa Office of the Solicitor general (OSG) at ang department of justice (DOJ) na bumuo ng isang specialized team ng mga abugado na hahawak sa mga maritime cases dahil ang mga kasong ito ay may kaugnayan sa specialized aspect ng international law at maritime law

Balak ng senador na talakayin ito sa dalawang ahensya oras na talakayin sa committee level ang kanilang panukalang 2025 budget. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author